Kuwentong pag-ibig ni lola=p (makata version)
pagbalik ni jay, nakangiti si joyce at sinabi “wow strawberry flavor, paano mo nalaman na ayan paborito ko…?”inabot ni jay ang ice cream at sinabi “wala lang napansin ko lang kase paborito mong kulay ay kulay pink kase lagi ka nakapink tuwing nakikita kita…naisip ko kulay pink ang strawberry ice cream kaya yun…”natuwa si joyce sa sinabi ni jay kaya nginitian niya lang ito at sinabi “salamat, friends…?”inabot ni joyce ang kamay niya na para bang nakikipagkamay…kinamayan ito ni jay at sinabi ng may galak”friends!”
naging matalik silang magkaibigan…sila ay naging napakalapit sa isa’t isa…lahat ng baho ng isa’t-isa alam nila wala talaga sila maitago sa isa’t-isa…’everythin under the sun’ ay napag-uusapan nila…kahit napakaliit na bagay at nangyayari sa kanila sa araw-araw alam nila; kadramahan, katuwaan, kabagraan, at kahit kahihiyan alam nila…at kahit napakadami nilang ginagawa di puwedeng di sila magkateks(aba’y may cellphone na ren nung panahon nila eh ang kaso sa “araw” lang nila puwede gamitin sapagkat pag gabi na ito’y humihina na ang koneksyon o signal ba kung tawagin yun ngay-on.)
itutuloy……